Image

Ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program, na mas kilala bilang Walang Gutom Program (WGP), ay isang makabagong programa na naglalayong tugunan ang problema ng hindi boluntaryo o hindi kusang pagkagutom na nararanasan ng sambahayang Pilipino dulot ng kahirapan, krisis o kakulangan sa kita. Layunin ng programa na magbigay ng suporta upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga pamilyang nangangailangan, palakasin ang kanilang kakayahang maging mas produktibong miyembro ng komunidad, at maging aktibong kabahagi sa pagsulong ng ekonomiya at kaunlaran ng bansa.

 

Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran,  bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/ 

 

To know other information about the Department's program, visit the DSWD official website at: https://www.dswd.gov.ph/ 

Magandang araw! Sa kasalukuyan, walang aplikasyon ang kinakailangan para sa nasabing programa. Ang mga benepisyaryo ay natutukoy gamit ang Listahanan 3, alinsunod sa Executive Order 867, serye ng 2010, na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga benepisyaryo para sa mga social protection program tulad ng Walang Gutom Program.


 

Upang matiyak na ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ay tunay na nararapat, ginagamit ang Walang Gutom Indicator Tool upang suriin ang bawat Pilipinong nakalista sa Listahanan 3 at matukoy kung sila ay kwalipikadong makatanggap ng benepisyo mula sa programa.


 

Maaari rin po kayong makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan upang maisama kayo sa listahan ng mga sasailalim sa Walang Gutom Indicator (WaGI) Tool. Ang WaGI Tool ang magsusuri kung kwalipikado kayo na makasali sa Walang Gutom Program. Paalala lamang na ang pagsailalim sa WaGI ay hindi garantiya ng awtomatikong pagpasok sa programa.

Ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) ay ang mga pinakanangangailangan sambahayang naitala ng Listahanan 3, na bahagi ng datos na nakalap ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR). Ang mga sambahayang kabilang sa pinakamahihirap na sektor na nasa Listahanan 3 ay sumailalim sa Walang Gutom Indicator (WAGI) Tool Assessment upang masuri ang kanilang antas ng seguridad sa pagkain. Ang mga sambahayan na nakitaan ng mababang antas ng seguridad ng pagkain o food security threshold ay isinama bilang mga benepisyaryo ng programa, na may layuning matugunan ang kanilang pangangailangan at mapabuti ang kanilang kakayahang makamtan ang mas matatag na kalagayan ng seguridad sa pagkain.

 

Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng  Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa:  https://www.dswd.gov.ph/  

 

​​To know other information about the Department's program, visit the DSWD official website at: https://www.dswd.gov.ph/ 

Hindi. Ang EBT card ay hindi naglalaman ng pera at hindi maaring ipalit sa pera. Hindi  rin ito maaaring i-withdraw. Maaari lamang itong gamiting pambili ng pagkain mula sa  mga DSWD-accredited na mga tindahan. Hindi ito maaaring ipambili ng pagkain na wala  sa listahan dahil hindi ito tatanggapin ng system o ng mobile point of sale o mPOS.  

 

No. The EBT card does not contain cash and cannot be exchanged for cash. It also cannot be withdrawn. It can only be used to purchase food from DSWD-accredited stores. It cannot be purchased for food that is not on the list because it will not be accepted by the system or the mobile point of sale or mPOS. 

Ang pilot implementation ng programa ay tatakbo sa loob ng anim na buwan. Ang mga  napiling benepisyaryo ay makakatanggap ng PHP 3,000 na food credit kada buwan.  Samantala, ang mga benepisyaryo na magiging parte ng scale-up o nationwide  implementation sa taong 2024 ay mapapabilang sa programa sa loob ng tatlong taon.

 

The pilot implementation of the program will run for six months. Selected beneficiaries will receive PHP 3,000 food credit per month. Meanwhile, the beneficiaries who will be part of the scale-up or nationwide implementation in the year 2024 will be included in the program for three years.

Ang pagdalo sa Nutrition Education Sessions.

 

Attending Nutrition Education Sessions. 

 

Ang pagdalo sa Productivity enhancement session o employment promotion  activities/job fairs ng DOLE at TESDA.  

 

Attending Productivity enhancement sessions or employment promotion activities/job fairs by DOLE and TESDA. 

 

Ang hindi pagdalo sa mga ito ay maaaring maging dahilan ng pagkakasuspinde ng  pagbibigay ng buwanang food credits sa WALANG GUTOM CARD.

 

Failure to attend these may result in the suspension of the provision of monthly food credits to the WALANG GUTOM CARD. 

Iginagalang ng DSWD ang karapatan ng mga benepisyaryo sa privacy at pagbibigay  ng kaukulang pahintulot para sa paggamit ng impormasyon sa pagkakakilanlan  tungkol sa sainyo. May karapatang din ang benepisyaryo na tumangging magbigay  ng impormasyon. Kung nais nyo na tanggalin o i-edit ang inyong impormasyon, maaari  kayong makipag-ugnayan sa DSWD sa pamamagitan ng mga DSWD hotline.

  

The DSWD respects the right of beneficiaries to privacy and providing appropriate consent for the use of identifying information about you. The beneficiary also has the right to refuse to provide information. If you wish to delete or edit your information, you may contact the DSWD through the DSWD hotlines.

Ang Household Head ang dapat pumunta sa distribution area. Kung hindi available,  maaaring ang alternate head ang pumunta.

 

The Household Head should go to the distribution area. If not available, the alternate head may go. 

Magsisimula ang "pamamalengke" batay  sa impormasyong matatanggap sa imbitasyon ng DSWD  

"Marketing" will begin based on the information received in the DSWD invitation 

Dalhin ang mga sumusunod: Bring the following: 

o WALANG GUTOM CARD  

o Isang (1) valid ID  

1 Valid ID 

o Booklet na nagpapatunay na dumalo sa nutrition sessions  

Booklet confirming attendance at nutrition sessions 

o Eco-bag para sa pinamili  

Eco-bag for shopping 

o Kasamang mamili  

Person accompanying you 

Maaaring lumapit sa sinumang kawani ng DSWD. Maaari din kayong bumisita sa help desk o tumawag sa:   

Any DSWD staff can be approached. You can also visit the help desk or call: 

 

DSWD (Globe) 0917 110 5686 o 0917 827 2543; (Smart) 0919 911 6200. 

  

Bukas ang Hotline center mula 8AM - 4PM, Lunes hanggang Linggo kabilang ang Holidays. Tinatanggap ng DSWD ang feedback at mga reklamo at gayundin ang mga  mungkahi para sa pagpapabuti, dahil nakakatulong ito pagpapahusay ng aming  programa. 

 

The Hotline center is open from 8AM - 4PM, Monday to Sunday including Holidays. DSWD welcomes feedback and complaints as well as suggestions for improvement, as it helps improve our program. 

 

Maaari rin ipadala ang inyong mensahe sa email address: inquiry@dswd.gov.ph 

 

You can also send your message to the email address: inquiry@dswd.gov.ph 

 

O mag fill-up ng form sa Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS): https://i-grs.dswd.gov.ph  

 

Or fill-up a form in the Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS): https://i-grs.dswd.gov.ph

Ang lahat ng tulong na ito ay libre. Hindi mo kailangang magbayad ng pera para  mairehistro o makatanggap ng tulong, at hindi ka dapat hingan ng bayad ng sinuman, maging ito man ay pera, sekswal na pabor, serbisyo, o ano mang bagay. Kabilang dito  ang lahat – kawani ng DSWD, mga volunteer, mga kawani tindahan, security guard,  miyembro ng komite sa barangay o munispyo at iba pa. Kung may mangyaring ganito,  maari ninyong isanguni sa DSWD, o tumawag sa DSWD hotline.

  

All this help is free. You do not have to pay money to register or receive help, and you should not be asked for payment by anyone, whether it is money, sexual favors, services, or anything else. This includes everyone – DSWD staff, volunteers, store staff, security guards, barangay or municipal committee members and others. If something like this happens, you can contact the DSWD, or call the DSWD hotline.

 

Kung sakali mang may lumapit na media at humingi ng interview, maaari kayong  pumayag o tumanggi depende kung saan kayo komportable. Maari kayong dumulog  sa sino mang DSWD staff para magpatulong sa pagpaliwanag sa media.

 

If the media ever approaches and asks for an interview, you can agree or refuse depending on where you feel comfortable. You can go to any DSWD staff for help explaining to the media. 

Ipag bigay alam sa kawani ng DSWD. Maaari din kayong bumisita sa help desk o  tumawag sa:  

Notify DSWD staff. You can also visit the help desk or call: 

 

DSWD (Globe) 0917 110 5686 o 0917 827 2543; (Smart) 0919 911 6200.   

 

Bukas ang Hotline center mula 8AM - 4PM, Lunes hanggang Linggo kabilang ang  Holidays. Tinatanggap ng DSWD ang feedback at mga reklamo at gayundin ang mga  mungkahi para sa pagpapabuti, dahil nakakatulong ito pagpapahusay ng aming  programa. 

 

The Hotline center is open from 8AM - 4PM, Monday to Sunday including Holidays. DSWD welcomes feedback and complaints as well as suggestions for improvement, as it helps improve our program. 

 

Maaari rin ipadala ang inyong mensahe sa email address: inquiry@dswd.gov.ph

 

You can also send your message to the email address:  inquiry@dswd.gov.ph